Tourist Visa – Tagalog Version


Australian Tourist Visa (aka Visitor Visa) Kailangan mo ba ng tourist visa papuntang
Australia mula sa Pilipinas? Australian
tourist visa, o kilala din bilang Visitor Visa, holiday visas, travel visas, visa 600’s
o kadalasan ay tinatawag din na “Isang simpleng
tourist visa lamang.” Sa totoo
lang, hindi ito isang simpleng visa lamang kagaya ng iniisip ng karamihan, kahit na
marami ang nag-aakala na ang pag-aapply ng visa ay isang pormalidad lamang (at
magugulat kapag ito ay na-refused o hindi na-aprubahan). Sinuman na hindi mamamayan ng Australia ay
kinakailangan ng visa para makapasok dito. Walang visa, hindi makakapasok. Dito kadalasan ina-apply ang
tourist visa. At dahil marami ang naniniwala na ang Australian
tourist visa ay madali at mabilis, ito ang mas pinipili ng iba na
hindi tapat at hindi tunay na aplikante na may intensyon na mag overstay o magtagal sa
Australia upang magtrabaho nang ilegal sa mga black market. Kaya kung ikaw AY isang tapat na aplikante
ng visitor visa, kailangan mong patunayan na HINDI mo
binabalak na mag overstay at gawin ang paglabag sa mga kondisyon na nakapaloob
sa visa. Matagumpay na Pagkuha ng Tourist Visa mula
Pilipinas papuntang Australia Ang refusal o hindi pag-aproba ng tourist
visa papuntang Australia mula sa Pilipinas o saan mang bansa ay nakakagulat na karaniwan
lamang. Maraming scam at
matalinong pamamaraan ang ginagawa upang “linlangin” ang Embassy, at
nakakalungkot dahil madalas ito ay pinapasigla ng ibang Filipino travel agents, o
kaya naman ay ng mga mabubuting kapamilya at kaibigan, o mula sa iba’t-ibang
tagapayo online at mga Facebook groups. Sa kabutihang palad, alam ng Down
Under Visa ang lahat ng ganitong uri ng pangyayari at pamilyar sa lahat ng katakut-
takot na payo tungkol sa kung ano ang dapat sabihin at kung anu-ano ang mga
mahahalagang kinakailangan sa visitor visa, at maaari naming panatilihin ang tuwid-
at-makitid na landas tungo sa tapat at matagumpay na pagkuha ng tourist visa. Kung ikaw ay isang tunay na bisita, ibig sabihin,
kung nais mong pumunta sa Australia para sa maikling pagbisita para
sa turismo o kaya ay upang bisitahin ang iyong mga kaibigan o pamilya, malaki ang pagkakataon
namin na ikaw ay mabigyan ng tourist visa mula Pilipinas papuntang Australia. Tandaan na ang visitor visas para sa recreations,
holidaying, sightseeing, at ang pagpunta sa Australia bilang isang turista
ay hindi pangkaraniwan para sa Pilipinas dahil sa halaga na kinakailangan na kadalasan
ay hindi abot-kaya ng karaniwang Pilipino (na kung saan maalam ang Embassy
Case Officerssa mga ganitong bagay). Pero maaari ninyo kaming tanungin, at asahan
ninyo ang aming tapat na pagsusuri sa inyong kaso. Ang aming pinakamalaking tagumpay (sa katunayan
ay mayroon kaming exceptional success rates) ay nasa mga Australian
Filipina couples na nagkita at nahulog ang loob sa isa’t-isa, at nais bumisita
sa Australia upang mas mapagbuti ang kanilang relasyon, ie, kung magugustuhan
n’ya ang Australia at maging masaya kasama ang kanyang Australian man ng pang-matagalan
at bibisitahin ang mga kaibigan at kamag-anak ng Australian sponsor. Kung ikaw ay isang Pilipina o Pilipino
na may minamahal at karelasyon na Australian, o di kaya naman ay kung ikaw ay
isang Australian at nais mo na ikaw ay bisitahin ng iyong minamahal mula sa
Pilipinas, maaari ninyong gamitin ang aming LIBRENG ASSESSMENT FORM na
nasa itaas ng page. Mayroon kaming napakataas na success rate
para sa mga tapat na visa applicants at libu-libong matagumpay
na nagkaroon ng visa sa nakalipas na mga taon, lalo na kung sila ay nagkita nang
personal bilang tanda ng kanilang pangako at pagmamahal sa isa’t-isa. Paano Mag-apply para sa Australian Visa Gamit
ang Iyong Philippine Passport Kung ikaw ay isang tunay bisita/tourista mula
sa Pilipinas, lalo na kung nais mong makasama ang iyong Australian boyfriend o
girlfriend (o Australian fianc�e, fianc� o
asawa) o di kaya ay miyembro ng iyong pamilya, maaari ka naming matulungan sa
pamamagitan ng paghahanda ng isang visa application na kumpleto at tapat at
nakakatugon sa mga Alituntunin ng Australian Migration Law. Kaya naming ibigay
ang tiyak at tamang visa requirements para sa Australian tourist visa na nararapat
para sa inyong sitwasyon, at aming susuriin na tama ang lahat ng dokumentong
ipapadala ninyo sa amin. Kami ay maingat at higit sa lahat kami ay
tapat. Walang
kasinungalingan o panloloko, at hindi nangangako ng mabilis na pagkakaroon ng
visa. At oo, pinag lodge namin ang mga visa applications
online sa pamamagitan ng aming business IMMI account, pero hindi ibig
sabihin nito ay mapapabilis ang pag proceseso nito . Walang clever schemes na
linlangin ang mga awtoridad. Mataas
ang aming success rate nang walang halong panloloko at pagsasabi ng
kasinungalingan. At higit sa lahat, hindi ka namin ituturing
na isang kliyente kung hindi kami naniniwala na ito ay magiging tagumpay. Ang Pros o Kalamangan at Cons o Kahinaan ng
Australian Tourist Visa Pros o Kalamangan
? Hindi gaanong kumplikado (kumpara sa partner visa) ? Mas mura ang halaga kaysa sa partner visa ? Maaaring mag-extend ang pananatili sa pamamagitan
ng pag-apply ng panibagong onshore visa application ? Nababagay para sa mga magkarelasyon na hindi
pa committed sa isa’t-isa dahil ito ay pansamantala lamang ? Posible ang pagkaka-aproba ng multiple entry
tourist visa. ? Sa ilang mga pagkakataon, posible ang pag-aapply
sa ibang onshore visas, halimbawa ay partner visa ? Ang onshore tourist visas ay may karapatan
na magkaroon ng bridging visa kung hindi pa naaaprobahan bago matapos ang
kasalukuyang visa Cons o Kahinaan ? Sinusuri ang application ng masinsinan,
at mataas ang posibilidad na hindi maaprubahan kung hindi kumbinsido ang isang
Case Officer ? Ang malaking bilang ng mga pandaraya na
umaabuso sa sistema at ginagawa itong mas mahirap para sa mga tapat
na aplikante ? Ito ay para lamang sa pagbisita at hindi
para mapanatili ang isang relasyon, ito ay hindi magandang pamalit para sa partner
visa Hindi maaaring makapagtrabaho
? Hindi nito sakop ang Medicare ? Limitado lamang ang pagkakataon na makapag-aral
at mataas ang halaga ng pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *